Updates Per Peace Table

milf

Sec. Teresita Quintos Deles' Message at the Bangsamoro Assembly

With deep respect and high esteem, I greet -
- MILF ChairAl HajMurad Ebrahim
- 1st Vice-Chair Ghazali Jaafar and newly installed 2nd Vice Chair Ali Pangalian
- MILF Panel Chair Mohagher Iqbal and other members of the MILF Panel
- Members of the Central Committee and other leaders of the MILF
- Our honourable helpmate and facilitator, H.E. DatoTengkuAbd GhafarTengku Bin Mohamed
- H.E. Tahir Ahmed Saif, official representative of the OIC, representing OIC Secretary-General H.E. Ekmeleddin Ehsanoglu
- Excellencies of the diplomatic corps, representing Indonesia, Japan, Libya, and Saudi Arabia
- Our peace partners representing the non-state members ofthe International Contact Group: The Asia Foundation, Centre for Humanitarian Dialogue, Conciliation Resources, and Muhammadiyah
- MGenDato Abdul Rahim Bin Mohd. Yusof, Head of Mission of the International Monitoring Team, together with IMT members from Malaysia, Brunei, the European Union, Japan, Norway, and the newest contingent from Indonesia
- Co-Chairs and Members of the Joint Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities, who, together with the IMT, have worked hard over the past few days to ensure the safe and peaceful travel of the participants to the Assembly. Masigasig pong nagtulungan ang MILF-BIAF, AFP, at PNP, kasama ng IMT, para ligtas at matiwasaytayong lahat dumating dito sa Darapanan. Let us thank all the men and women in uniform who helped bring us all here safely and who continue to ensure that this will be untroubled space for discussion and deliberation over the next two days.
- Representatives of the MNLF who are our dialogue partners in completing the implementation of the 1996 Final Peace Agreement
- Our leading peace partners in the House of Representatives - Congresspersons JesusSacdalan of North Cotabato, Pangalian Balindong of Lanao Sur, and Bai Sandra Sema na taga-rito,
- Our partners from local government, led by the mayor of our host town, Sultan Kudarat, Mayor Tucao Matura
- Civil society partners, colleagues from government
- Honored guests, Fellow travellers in whathas been a long, difficult road to peace
- Sa lahat ho ng narito ngayon na nanggaling sa iba-ibang lugar, malapit man o malayo, tumawid man kayo ng kalsada, dagat o himpapawid – whether you came from far or near –

Lolo, lola hanggang bunso

Lalong lalo na, binabati ko ang mga ordinaryong mamamayan na dumatingdito at nakikilahok sa Assembly sa sarili nilang sikap at pagpupunyagi, tulak ng paniniwalathat the time for peace has come. Panahon na ng kapayapaan!

Maganda at maliwanag na hapon ho sa ating lahat. A bright and peaceful day to all! Assalamu aleikum.

Unang-una, gusto ko hong magpasalamat sa pamunuan ng MILF sa pag-imbita nila sa amin sa OPAPP, kasama ng GPH peace panel, na makadalo at makipag-daop-palad sa inyo sa inyong pag-ganap nitong malawakan at makabuluhang Bangasamoro Leaders Assembly. Nandito rin syempre ang namumuno sa GPH Peace Negotiating Panel, si Dean Marvic Leonen, na babati rin sa inyo mamaya, at angibang miyembro ng GPH Panel, si Prof. Miriam Coronel-Ferrer, si Former Agriculture Secretary Senen Bacani, si Dr. Hamid Barra, at si Bai Yasmin Busran-Lao, na silang dalawa ay kapatid niyo rin.

Kami ay narito dala ang pagkilala at pagpugay ng national governmentsa inyong tuwirang pagsisikap nabuuin at patingkarin ang suporta at pakikilahok ng Bangsamoro para sa nangyayaring usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at ng MILF. As stated in the invitation of Chair Mohaguer Iqbal addressed to GPH Chair Marvic Leonen, the main reason for holding this assembly is “to seek the direct expression of support of our people for the ongoing GPH-MILF peace negotiation, which, as both peace panels know, is clearly passing through a defining moment.” We in the national government recognize, thank, and salute the MILF leadership for taking this bold and historic step once again.Saludo po kami sa inyong show of unarmed force in support of the peace process.

Sa totoo lang, hindi ito ang unang pagkakataon na pumunta ako dito sa Darapanan at tumayo dito sa entablado para batiin kayo. It is not my first time to come here and to be given the chance to stand on the stage and greet you. Narito ho ako nung ginananap niyo ang Bangsamoro People’s Consultative Assembly nuong Mayo, 2005 - isang buwan at isang linggo bago ako ay bumitiw sa aking katungkulan bilang PresidentialAdviser on the Peace Process sa pamahalaang Arroyo, kasama ng siyam na ibang kasamahan ko sa Gabinete. Sapaghanda ng aking opisina sa aming pagdalo dito ngayon ay nahanap ng isang staffng OPAPP ang video ng aking pagdalo dito nuong 2005 sa YouTube (napapanood ho ito sa internet sa computer). Someone from my office found a video clip of me delivering my message during the Bangsamoro People’s Consultative Assembly in 2005, which had been uploaded on YouTube.

Nuong pinanood ko ito kahapon sa airport, habang hinihintay ang flight namin patungong Davao, ako ay nakaramdam ng halo-halong damdamin – I felt a mixture of gladnessand pain – galak halo ng pait.

Ako po ay nagalak – syempre dahil nakita ko ang sarili ko na mas-bata ng pitong taon – I was seven years younger then.Ngunit higit dyan, nanumbalik sa akin ang naramdaman ko noon na napakatinding sigla, buhay-na-buhay na pag-asa, ngdi-matatanggihang pagtataya ng napakarami para sa kapayapaan. I relived the heights of energy, hope, and commitmentfor peace that I experienced emanating from the gathered Bangsamoro assemblyback then in 2005.

But, watching myself seven years ago in this same place on YouTube, I could not but also feel a tinge of deep regret that we didn’t make it to the end of the tunnel, and today we have to be here once again to stand up for peace.Ang galak ko ay nahaluan ng lungkotdahil hindi pa natin nakamit ang ating ipinagpunyagi noon sa lugar ding ito.

Ngayon ako ay bumalik dito na puno muli ng galak, pagtataya, at pag-asa. Matindi ang galak ko na makita at maramdaman muli ang tindi ng inyong sigla at malinaw na pagtataya para sa kapayapaan. Ngunit higit pa dyan, ako ay puno ng saya at pag-asa dahil dala ko ngayon ang pagnanais, pagtataya, pagpupursigi ng ating Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ang ating minamahal na P.Noy, para makamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa buong bansa, unang-una na dito sa Mindanao. Dahil kay P.Noy kung bakit nandito kami ngayon.

Noong dumalo ako dito nuong 2005, dala ko ang mensahe ng pagkakaisa kasama niyo sa pagnanais, sa pag-asa, at pagtataya para sa kapayapaan. In 2005, together with Secretary Silvestre“Yongyong”Afable, I brought the message of hope, solidarity, and persistence in pursuit of peace. It is the same message that I bring today but at the same time it is different. Parehong mensahe pero naiiba ngayon. The difference is the change of leadership under P.Noy. Ngayon dalako ang mensahe na sinsero si P.Noy, seryoso si P.Noy, sa kaniyang paghangad at pagsisikap para sa kapayapaan at kaunlaran dito sa Mindanao.

Hindi po hinangad ni P.Noy na maging pangulong bansa. Hindi siya tumakbo para sa sariling adyenda. Bagkus siya ay napilitang tumakbopara ayusin ang balu-baluktot na nangyari sa bansa sa ilalim ng nakaraang pamunuan. P.Noy did not covet the presidency out of personal ambition. He was the reluctant candidate who submitted to the people’s will for him to run for the presidency to bring the countryback to the straight path – tuwid na daan. I understand this is also a major belief in Islam – al sirat al mustaquim – tuwid na daan.

Sa pagtahak ng tuwid na daan, ibinabalik natin ang tamang pamamahala, and maayos na pamunuan nananiniwala na “public service is a public trust.” Sa tuwid na daan, walang wangwang, walang mangingibabaw sa batas, ang sambayanan ang boss. Sa tuwid na daan, tutuparin ang pangako, hindi mangangako ng hindi kayang gawin o ibigay. Sa tuwid na daan, ang salita ay sagrado. Sa ilalim ni P.Noy, siya mismo ang diretsong namumuno, gamit ang buong kakayanan at resources ng gobyerno, pati na ang kaniyang sarili, para sa paghanap ng kapayapaan para sa buong bansa.

It is a principal agenda of the P.Noy government to end all internal armed conflict within its term of office.Sinasabi sa Chapter 9 ng Philippine Development Plan na wawakasan ang lahat ng armadong hidwaan sa mapayapa at makatarungang paraan sa loob nitong administrasyon. Kaya ngayon, ang gobyerno ay nauupo sa anim na la mesa para sa maayos na usaping pangkapayapaan sa iba’t ibang grupo, unang-una na ang MILF at kasama rin ang MNLF.

P.Noy’s leadership in the pursuit of peace has been tried and tested. In his campaign platform and in his inaugural address, P.Noy laid out his vision for a peaceful Mindanao, truly the home of different peoples with equality and giving justice to their aspirations for their communities. Nakita na natin kung paano na pinanindigan ito ni P.Noy.

Naalala natin kung paano tinulak ni P.Noy na diretso at personal silang mag-usap ni Chairman Murad sa Narita, Japan, nuong Agosto, 2011. May mga nagbatikos sa kaniyang ginawa bilang pangulo ng bansa na nakipagkita sa lider ng rebeldeng grupo – mga mujahideen – sa ibang bansa. Pero paniniwala ni P.Noy na ito ay nararapat lamang kung tunay mong ninanais na makamit ang kapayapaan – nararapat lang na diretsong makipagkita at maka-daop-palad ang mga nakaupo sa kabilang panig ng la mesa.

Naalala natin nuong may malakas na pananawagan para sa “all-out war” nuong Oktubre, 2011. Matindi ang pagtulak ng marami, kasama ang ilang political leaders, na tigilan na – putulin na ang peace process. Si P.Noy mismo ang tumayo at nagsabi – Hindi all-out war – No to all-out war – kundi All-out justice! At natahimik po ang mga gustong bumalik sa gyera.

P.Noy has been tried and tested in the search for peace. Nasubok na po si P.Noy at siya ay tapat na nanindigan. He has passed the test.

Ngayon, patuloy ang pagsisikap ng ating Pangulo para itulak ang pag-uusap sa la mesa. I want to share with you the current administration’s concrete efforts in pushing the peace process. Tunay pong “whole-of-government” ang aming paninindigan para sa kapayapaan. Nakita niyo na ang pagkakaisa ng AFP at PNP sa pagtulak ng landas ng kapayapaan. Pero hindi lang iyan. Mabusisi ang usaping pangkapayapaan sa loob ng gobyerno dahil sinisikap na kausapin ang lahat ng kawanihan at ahensya na may pakay sa GPH agenda ukol sa power at wealth-sharing at ukol sa governance. Bago dalhin ng Panel ang kanilang mga posisyon at proposal para talakayin sa Kuala Lumpur ay tinatalakay muna ito sa iba’t-ibang departmento, sa lebel mismo ng Kalihim na kino-convene mismo ng Pangulo. The Panel does not bring empty or false promises to Kuala Lumpur. Following the President’s instructions, the Panel ensures that the appropriate departments and agencies have been properly consulted and have come on board. The Panel goes to KL for every meeting with a fresh mandate from the President.

Idadagdag ko pa: Mahigpit rin ang ugnayan ng Panel at OPAPP sa Kongreso, both with the House of Representatives and with the Senate – and I tell you the feedback has been positive from the leadership of both Houses of Congress. Mag-uumpisa na rin angaming pag-uusap sa mga retiradong justices ng Korte Suprema at pati na ang ilang mga naging miyembro ng 1987Constitutional Commission. Ito ay para maging lubos na handa para sa kung ano mang hamon na isampa ng kung sino man laban sa peace agreement sa Supreme Court. Patuloy ang pagkokonsulta sa iba’t ibang LGU, CSOat iba’t ibang sector, kasama ang religious leaders, business, at academe. Inutos ni P.Noy sa Panel na mag-konsulta at maging transparent hanggang pwede. As far as practicable, the Panel is complying with the President’s instructions. Sa tuwid na daan, buo ang gobyerno sa pag-upo sa la mesa. Sa tuwid na daan, walang pipirmahan na tatalikuran.

Sa pagtatapos, inuulit ko ang kahandaan ng GPH na makamit ang kapayapaan sa Mindanao. Government is ready to reach agreements on the peace table with the MILF concerning the crucial issues of power-sharing, wealth-sharing, governance, area of coverage, and normalization, to include the final disposition of arms and forces, towards the establishment of a new autonomous political entity which is true to the aspirations and to achieve the utmost welfare of the Bangsamoro. At handa ang GPH na maabot ang maayos at kabuuang implementasyon ng 1996 Final Peace Agreement sa pagitan ng GPH at MNLF. Buo ang pagsisikap ng GPH na makamit ang tunay na autonomiya para sa Bangsamoro na walang maisasantabi o maiiwanan – where no one is excluded nor left behind.

In 2005, I stood before you at this same place to express government’s solidarity, aspiration, hope, and commitment for peace. Tragically, we did not make it then. Things went terribly wrong. I have dared to return to government and I face you again today with new hope and commitment because under our current President, under P.Noy – sa daang matuwid – al sirat al mustaquim – we can dare to hope again. With you we say – the time for peace is now. Insha Allah – peace be with us all. Peace be upon the Bangsamoro! Peace be upon the Philipppines!

Maraming salamat po. Shukran.